Tuesday, December 8, 2009

Kasaysayan ng Wikang Filipino

(Ito ay takdang aralin ng aking anak na si Daeia bilang paghahanda sa kanilang aralin sa El Filibusterismo).

Mahalagang maintindihan natin ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Ang Filipinas ay isang arkipelago kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etno-lingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mga kritikong mulat ang kamalayan sa kahalagahan ng wika katulad ni Isagani R. Cruz na nagsabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."

1935 - Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

1936 - Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa upang mamuno sa pag-aaral at pagpili ng magiging wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng lupon na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."

1937 - Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."

1940 - Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

1959 - Noong 1959 nagpalabas si Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.

1973 - Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."

1987 - Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

2000 - Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letrang f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura na si Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa.

Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa.
[ ... ]

Ang Alamat ng Orani, Bataan


Ang Alamat ng Orani, Bataan

Oktubre na. Malamig na ang simoy ng hangin dahil nalalapit na ang Kapaskuhan. Ang mga isda sa ilalim ng Tulay ng Tagpuan sa sentro ng bayan ay tila giniginaw. Malilikot na naglalanguyan, naghahabulan, at nagtataguan sa malalapad na dahon ng lotus na malugod silang tinatangap. Ang pabilog nilang mundo ay payapa at tahimik. Ang lamig ng panahon ay tinatalo ng init ng kanilang mga damdaming puno ng kasiyahan at kapanatagan.

Giniginaw din si Aurora. Galing pa siya sa malapit sa dagat kung saan siya lumaki. Pero nag-iinit ang kanyang damdamin sa nararamdamang magkahalong takot at pananabik. Natatakot siyang baka may makakita sa kanya at sa kanyang gagawin at isumbong siya sa kanyang mga magulang. Nananabik siya sa pagdating ng isang taong gusto niyang laging nakikita – si Isagani.

Matipuno at makisig si Isagani. Palibhasa’y sanay sa mga gawaing bukid sa bundok na kinalakihan. Mayroon silang napakalawak na lupain at maraming mga tauhang gumagawa sa kanilang bukid, pero hindi iyon ginawang dahilan ni Isagani para hindi siya magbanat ng buto at lumusong sa putikan.

“Ora, salamat naman at narito ka na,” pabulong na sabi ni Isagani nang makalapit sa gawin likuran ng kasintahan.

“Gani!” Nagulat pa si Aurora dahil hindi niya namalayan ang paglapit ng minamahal. “Kanina ka pa ba diyan?”

“Kadarating ko lang. Naunahan mo ako ngayon!”

“Maaga ko kasing natapos ang mga gawain ko bahay,” paliwanag ni Aurora. “Kumusta ka na, mahal ko?”

“Masayang-masaya ako ngayon. Napakaganda ng bunga ng mga pananim namin. Sa tingin ko ay marami kaming aanihin. Baka sa makalawa ay magsimula na kaming gumapas ng mga palay.” Masayang pagkukuwento ni Isagani. “Ikaw, kumusta?”

“Mabuti rin,” sabi ni Ora, pero mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata. “Maraming nahuhuli sa dagat ngayon. Marami na uling mga isda, hipon, at alimasag na lumilitaw.”

“Ganun naman pala, e bakit parang malungkot ka, mahal ko?” nag-aalalang tanong ni Isagani.

“Mahal mo ba ako talaga, Gani?”

“Higit pa sa buhay ko.”

“Sana hindi na tayo magkahiwalay.” Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Aurora.

“Bakit naman ganyan kang magsalita?” Inilapit ni Isagani ang sarili sa kasintahan at masuyo itong niyakap.

Inihilig ni Aurora ang kanyang ulo sa balikat ni Isagani bago sinagot ang tanong ng lalaki. “Kasi, binabawalan na ako ni Itay na makipagkita sa iyo.” Tuluyan nang nalaglag ng luhang kanina pa pinipigil ni Aurora.

“Bakit daw? Ano’ng dahilan?” Sunud-sunod na tanong ng nag-aalalang si Isagani.

Hindi agad nakasagot si Aurora sa tanong ng kasintahan. Sa halip ay parang daluyong ng alon sa dagat na bumalik sa isip niya ang mga nangyari nang sinundang gabi.

“Itay, may sasabihin po sana ako sa inyo,” panimula ni Aurora. Itinapat niyang maganda ang huli sa dagat sa gagawing pagtatapat tungkol sa kanila ng kasintahan.

“Ano yun, anak?” tanong ni Mang Jose. “Siguro may ipapabili ka sa akin ano?” nakangiting sabi ng ama. “Sige, anak, sabihin mo at bibilhin ko para sa iyo. Gusto mo ba ng bagong bestida?” Pati si Aling Ligaya, ang kanyang ina, ay napapangiti rin sa pag-uusap ng mag-ama.

“Hindi po Itay,” sagot ni Aurora.

“E ano ang gusto mo?” nagtatakang tanong ni Mang Jose.

“Meron na po akong mahal, Itay,” pagtatapat ni Aurora.

“Talaga!” tuwang-tuwang sabi ng ama, sabay baling sa kabiyak. “Narinig mo ba Ligaya ang sinabi ng anak mo? Meron na daw siyang napupusuan.” Saka sinabayan ng malakas na tawa.

Hindi napigil ni Aling Ligaya na lumapit sa anak. “Sino ba ang mapalad na lalaki, anak? Sino ba sa mga manliligaw mo ang mapalad na nakaakit sa iyong puso?”

Dahil sa nakitang katuwaan ng mga magulang ay lumakas ang loob ni Aurora. “Si Isagani po, Itay, Inay.”

“Isagani? Sinong Isagani?” usisa ng ama.

“Si Isagani bang anak nina Pedro at Payapa?” paniniyak ni Aling Ligaya.

“Siya nga po,” nakangiti pang sagot ni Aurora. Pero laking gulat niya sa pagbabagong nangyari sa mga magulang. Hindi pa natatapos ang sagot niya ay galit na galit nang napatayo ang ama. Agad namang lumapit si Aling Ligaya sa asawa at yumakap dito.

“Tumigil ka sa kahibangan mong iyan, Aurora!” pasigaw na sabi ni Mang Jose sabay duro ng daliri sa direksyon ng anak. Madalang lamang siyang tawaging Aurora ng ama, kapag lamang nagagalit ito sa isang bagay na ginawa niya. Palaging “Ora” o “anak” lamang ang tawag ng ama sa kanya at may halo pa itong lambing.

“Jose, huminahon ka,” awat ng ina.

Hindi nakapagsalita si Aurora sa bilis ng mga pangyayari. Napakaraming tanong ang nagsasalimbayan sa kanyang isip. Bakit bigla na lamang nagalit ang ama nang banggitin niya si Isagani? Bakit para siyang gustong saktan ng ama, samantalang natutuwa pa ito kanina nang sabihin niyang meron na siyang napupusuan? Ano bang mayroon si Isagani at ganoon na lamang ang galit ng ama sa binata?

Dahil sa kabiglaan ay hindi niya napigil ang pagpatak ng luha. Binalot ng matinding kalungkutan ang kanyang isip at puso at dinagdagan pa ito ng matinding pagkalito. Nang makabawi ay dali dali siyang tumayo at tumakbong umiiyak papunta sa kanyang silid.

Bago siya tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang pasigaw na paalala ng ama, “Kung ayaw mong mawalan ng magulang, umiwas ka na lalaking iyan!”

“Mahal ko, bakit?” Para pang nabigla si Aurora sa tinig ng kasintahan na kanina pa pala naghihintay ng paliwanag sa mga sinabi niya.

“Ewan ko. Hindi ipinaliwanag ni Itay sa akin. Basta nung sinabi ko sa kanya ang tungkol sa atin, bigla na lang siyang nagalit at sinigawan ako,” sagot ni Aurora.

Natahimik ang dalawa. Hindi nila maintindihan ang nangyayari.

Maya-maya ay nagtanong si Aurora. “Siyanga pala, ikaw ba, nasabi mo na ba sa mga magulang mo ang tungkol sa atin?”

“Hindi pa rin e. Mamaya pag-uwi ko, magsasabi na ako,” sagot ng lalaki.

“Sana ay walang maging problema,” mahinang hiling ni Aurora, pero sa kalooban niya ay naroon ang takot na dumadaklot sa kanyang puso. Kagabi pa nagsisikip ang kanyang dibdib. “Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit hindi ako mapalagay?” mga tanong ni Aurora na hindi niya mabigkas nang malakas.

“Wala naman siguro. Kilala ko naman sila. At tiyak kong magugustuhan ka nila,” nakangiting sagot ni Isagani. “Maganda, mabait, maalalahanin, at higit sa lahat mapagmahal. Saan ka pa hahanap ng ganyan?”

“Nambola ka pa,” natatawang sagot ni Aurora.

Kabisadong kabisado na ni Isagani kung paano siya patatawanin. Parang napakatagal na nilang magkakilala, samantalang tatlong buwan pa lang silang magkasintahan.


Naghiwalay ang magkasintahan na parehong nakangiti at may pangakong muling magkikita pagkalipas ng isang linggo sa dating lugar, sa Tulay ng Tagpuan. Sandaling nakalimutan ni Aurora ang takot sa kanyang mga magulang. Mahal na mahal niya si Isagani at handa siyang ipaglaban ang pag-ibig na iyon. Kung hindi rin lang si Isagani ang makakapiling niya habang buhay, mas mabuti pa sa kanya ang mamatay.

Nakarating si Aurora sa kanilang bahay na hindi namamalayan ng kanyang mga magulang palibhasa’y abala sa mga paghahandang kailangan para sa nalalapit na kapistahan ng kanilang bayan. Sa susunod na Linggo na ang pista. Isa ang pamilya nina Aurora sa mga kinikilalang pamilya sa barangay na malapit sa dagat. At sa taong ito, ang kanyang mga magulang ang nahirang na manguna sa mga paghahanda para sa pagdiriwang ng kapistahan sa kanilang baryo.


Latest Addition...

Tuloy-tuloy si Aurora sa kanyang silid upang magpahinga. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya samantalang hindi naman kalayuan ang Tulay ng Tagpuan sa kanilang bahay.

Samantala, nakauwi na rin si Isagani sa kanila. Naratnan niya ang kanyang mga magulang na nag-aayos ng kanilang imbakan ng palay. Inaasahan na nila ang masaganang ani. Tamang-tama sa pista. Inihahanda na rin ng kanyang inang si Aling Payapa ang mga sangkap ng lulutuin para sa handaan.

“O anak, saan ka ba galing?” tanong ni Mang Pedro, ang ama ni Isagani. “Kanina ka pa hinahanap ng nanay mo.”

“Mano po Itay,” sabi ni Isagani, sabay abot sa kamay ng ama para magmano.

“Nasa kusina ang Nanay mo. Pumunta ka na agad doon.”

“Opo.” Dumiretso si Isagani sa kusina at inabutan ang ina na abalang-abala.

“Mano po ‘Nay.”

“Kaawaan ka ng Diyos, anak.”

“May iuutos daw po kayo?”

“Oo, anak,” sagot ni Aling Payapa. “Maligo ka na at magbihis. Pupunta tayo kina Pareng Tiago. Doon tayo maghahapunan, dahil kaarawan ngayon ng kinakapatid mong si Isabel.”

Napangiti si Isagani. Kaibigan niya ang kababatang si Isabel. Noong bata pa sila, si Isabel ang madalas niyang makalaro sa mababang burol malapit sa kanilang bahay. Katulad nila, mga magsasaka din ang mga magulang ni Isabel at magkatabi ang kanilang lupain. Nag-iisang anak din kagaya ni Isagani.

“Ngayon na po ba ang kaarawan ni Isabel?” Natatawa si Isagani dahil nakalimutan niya ang kaarawan ng kaibigan. Masyado kasi siyang nasabik sa muling pagkikita nila ni Aurora. “Sige po Inay, maliligo na po ako.”

Nang makaalis si Isagani papunta sa ilog para maligo, pumasok sa kusina si Mang Pedro. “Payapa, sa palagay mo kaya ay mauunawaan ni Isagani ang gusto nating mangyari?” mahinang tanong nito sa asawa.

“Hindi ko tiyak, pero sana ay maunawaan niya.”

Kinagabihan, papunta sina Isagani sa kanilang pinakamalapit na kapitbahay.



(Itutuloy ko pa po ito... Pasensya na po kung bitin.)
[ ... ]

Sunday, December 6, 2009

Speech: Beyond Outrage (on the Maguindanao Massacre)

Good morning.

In the aftermath of the massacre in Mindanao, our nation, the Philippines, has expressed indignation amid cries for justice. It does not matter whether the lives lost were those of journalists, wives, sisters or lawyers. What matters is whether we can truly render obsolete such political killings. We can no longer stand on our cries, nor stand over the bodies of the Filipinos who have innocently died at such terror without walking away the wiser.
The massacre happened even after repeated calls for the government to show its political will on the side of peace and justice. It is the most shocking and outrageous crime that happened in our country in nearly a decade. These murders can only be done by those who are without conscience and whose minds are darkened.

I therefore stand before you to call on everyone to go beyond the emotions of shock and outrage, beyond the superficial “activism” that comfort us with little gains, and beyond the usual finger-pointing at government and law enforcers. We have to admit that violence of this scale exists because there are holes in our system that calls for immediate and decisive action. This crime only proved that we still have marginalized people in our midst and we made them hungry and jobless. The dead women in Maguindanao shows that we kept our women powerless while we have kept warlords wealthy, goons armed, and promoted politics as largely a game for the rich. It has been said that it is now cheaper for politicians to simply eliminate opponents by any means other than to run against them.We need change. First in the way we vote for our leaders. As long as we keep to our habits of voting the most-funded, believing in the handsomest, succumbing to undemocratic rhetoric, and trusting in dynasties of any shade, our fledgling democracy will always be rudely awakened by the violent renditions of these biases.

We need change. Second in the way we react to these heinous crime. Most of us simply get shocked and enraged, but we do nothing. We must do something, not after the crimes are committed but before. Our lawmakers need to pass laws that would discourage criminals and soon-to-be criminals to do anything that would harm fellow men.

We need change. Third in the value we give to life. Life is the most precious gift we received. Whether it is ours or not, we should value life with dignity.

We have always professed to love democracy but we have sadly fallen short of realizing and promoting democratic ideals of tolerance, fairness, access to equal opportunities, and the universality of human rights. Many still believe that power is the only access to a good quality of life.

We must wake up from this misconception. It is time to look beyond the usual and act against the trend and re-write our nation's destiny. It is up to us as citizens to learn about social justice. We need to be stakeholders of every Filipino life. Only then are we sincerely advocate of democracy and progress.
[ ... ]

Wednesday, December 2, 2009

Privatization of Philippine Airlines: An Investigative Report

BACKGROUND

Philippine Airlines (PAL) was owned and managed by the Philippine government before eventually being privatized in 1992. The winning consortium in the privatization of PAL was beset with differences until 1996 on how to manage PAL. The difficulties of PAL worsened with the adoption of an open skies policy by then President Fidel Ramos and with the onset of the Asian crisis. All this time, PAL continued to lose. PAL management initiated cost-cutting measures but employees opposed these measures. On June 5, 1998, the pilots' union staged a strike paralyzing PAL's domestic and international operations.

FILING OF THE PETITION

PAL files petition on June 19, 1998, with the Philippine Securities and Exchange Commission (SEC) for the approval of a rehabilitation plan and for the appointment of a rehabilitation receiver. Only the parameters of the rehabilitation plan are attached to the petition. On June 22, 1998, PAL files petition in United States Bankruptcy Court in Northern California for ancillary relief praying for a permanent injunction prohibiting creditors from interfering with PAL's assets.
On June 23, 1998, the SEC appoints Interim Rehabilitation Receiver headed by the then senior vice president-corporate counsel of PAL, and included as members three other senior PAL officials plus a partner from PAL's auditor, Sycip Gorres Velayo & Co. On July 1, 1998, the SEC issues order prohibiting payments without its approval of any amounts in respect of liabilities incurred by PAL prior to June 23, 1998. PAL shuts down operations on September 23, 1998.
Export credit agencies seek return of aircraft. PAL makes initial US$37.9 million debt payment to its fully secured aircraft creditors on January 1999. SEC rejects the first rehabilitation plan filed by PAL on January 15, 1999. On May 17, 1999, SEC approves the amended and restated rehabilitation plan on condition that the required capital infusion of US$ 200 Million is realized not later than June 4, 1999. Lucio Tan announces that the deadline for the US$ 200 Million is met. The SEC orders payment to trade creditors with claims of less than US$ 25,000 on October 1999.

ISSUES

Three types of actions are available under the Insolvency Law, which was passed into law in 1909. These are suspension of payments where the debtor possesses sufficient property to cover all his debts, voluntary insolvency, and involuntary insolvency.
Under the Insolvency Law, specific procedures are prescribed for each type of proceeding. The contents of the petition, the calling of the meeting of creditors, participation of creditors in the proceeding and the effects thereof, periods within which the actions must proceed or terminate and such other details are set forth in the Insolvency Law. Requirements for the quorum and the voting of creditors are likewise set forth in the law. Proceedings under the Insolvency Law are under the jurisdiction of the Regional Trial Courts.
The economic turmoil in the late 1970s and early 1980s created the need for an agency that would be able to handle debt-relief proceedings with more efficiency and dispatch. At the same time, a rehabilitation procedure for corporations was needed. The logical agency to handle this was, it was felt, the SEC. Thus in 1981, a presidential decree was issued amending Presidential Decree No. 902-A (PD 902-A) and vesting the SEC with jurisdiction over petitions for suspension of payments. In addition, the SEC was vested with the power to appoint a rehabilitation receiver or a management committee for corporation in distress, upon the appointment of which all actions for claims against said corporation would be suspended.
The SEC was further granted the authority to evaluate the feasibility of continuing operations and of restructuring and rehabilitating such entities. For the past two decades, corporations file suspension of payments petitions with the SEC and not with the trial courts, which have jurisdiction over insolvency cases. Under PD 902-A, no procedures are prescribed for the actions and/or petitions mentioned therein.
There were conflicting views on whether the Insolvency Law or PD 902-A should apply on the PAL proceedings. A large creditor, the US Eximbank, believes that the Insolvency Law should apply and, as a consequence, the procedures prescribed therein should be complied with. The SEC believes that the proceeding is governed by PD 902-A as the petition is one for the approval of a rehabilitation plan and for the appointment of a rehabilitation receiver. The issues that have arisen because of the problem on what law to apply significantly affects the rights of the creditors (secured and unsecured), such as approval of the rehabilitation plan.
The US Eximbank contends that since PAL's petition suspends payment to creditors, the proceedings are governed by suspension of payment provision of the Insolvency Law. Under the Insolvency Law, creditors representing three-fifths of the liabilities shall be necessary for holding a creditors meeting in a suspension of payments proceeding. The manner of voting is specified and the determination of a majority vote is likewise set forth. Thus, to form a majority, two-thirds of the creditors voting must unite upon the same proposition, and claims represented by said majority vote amount to at least three-fifths of the total liabilities of the debtor mentioned in the petition.
Under PD 902-A, no procedure is prescribed for the approval of the rehabilitation plan by the creditors. US Eximbank contends that PD 902-A merely transferred to the SEC the jurisdiction over suspension of payment proceedings in reference to corporations but neither repealed nor amended the provisions of the Insolvency Law, which must be followed. The creditors did not participate in the preparation of the first rehabilitation plan, which was eventually ordered revised by the SEC. In the amended rehabilitation plan, which was subsequently approved by the SEC, the creditors were consulted in the preparation thereof.
When the amended rehabilitation plan was approved, SEC stated in its order that 55% of the creditors representing the total obligations of PAL approved the rehabilitation plan. US Eximbank contends that there was no explanation as to how the 55% figure was arrived at, who the consenting creditors were and the amount of claim held by each creditor. However, PAL contends that the Interim Rehabilitation Receiver conducted broad and intensive consultations with various creditors, including the US Eximbank who basically approved the plan.

Priority of Payments

Under PD 902-A, the SEC is not bound to follow the hierarchy of payments set forth in the Civil Code (for insolvent debtors) while the rehabilitation of the debtor-corporation is being worked out. Prior to the approval of the rehabilitation plan, the SEC authorized payments to certain creditors which did not follow the order of preference set forth in the Civil Code. Hence interests payment was made to the secured aircraft creditors in January 1999 while no payment was made to other type of creditors. In October 1999, after the approval of the rehabilitation plan, SEC approved payment to 1,004 trade creditors with claims of less than US$25,000 for administrative convenience, as such payment was viewed as not adversely affecting the cash flow position of PAL.

Lessors of Aircrafts

Lessors of properties such as the aircraft lessors, are not specifically covered by the Insolvency Law. Hence, if the PAL proceedings were held under the provision of the Insolvency Law, the aircraft lessors would most probably be able to recover their property. Under PD 902-A, there are no provisions on providers of property to the debtor-corporation such as the aircraft lessors. Lessors of properties which are considered by the SEC as essential for the operation of PAL were not allowed to recover the leased property. Included here are aircraft lessors who claim that the SEC has not adequately protected their interests because the value of their security – the leased aircrafts – will greatly depreciate as the aircrafts will still be used by PAL, whereas PAL has ceased making lease payments.
[ ... ]